Kadalasan, tumatawag si ermats kapag:
A. May update sa bahay. Kay ate, kay kuya, kay erpats, kay tito, kay tita, kay lolo at lola, sa mga pinsan, at kung sinu-sino pang kamag-anak na 'di ko pa nakikita ng personal.
B. May chismis na hindi na makapaghintay makwento. Kung anu-anong balita kung kani-kanino.
C. Nanghihingi ako ng allowance. Kelangan kasi ng matinding paliwanagan at official breakdown of fees. Minsan may tawaran din ng presyo at bonus kapag good boy.
Pero kagabi, nagulat talaga ako sa rason ng biglang pagtawag ni ermats.
"Buns [bunso for short] nag-facebook ako pero may problema."
Ang dami kong tawa. Hindi ako makapaniwala.
Sa aming pamilya, si ermats ang pinaka walang malay sa computer. Pag-iniiwan namin siya dati sa harap ng laptop, 'di na yan mapakali, 'di niya na alam kung anung gagawin, magsisimula na yang magpanic at tatawagin kami agad. Hindi niya daw mapasunod yung daga. Hindi daw siya makatype ng mabuti dahil hindi alphabetical yung keyboard. Pero nung ma-uso yung FB at nakita niya yung ilan niyang katropang may account dun, naging pursigido siyang matuto. Kung kaya daw ng ibang matatandang katulad niya, kaya niya rin. Bago magpasukan, naturuan ko na siyang mag-on at shutdown ng laptop. Pero hanggang dun lang. Hindi ko akalaing naturuan na siya nila ate.
"Naks naman ma! Ano bang nangyari?"
"Pumunta ako sa chrome. Tapos tinype ko yung F sa blank para lumabas yung facebook. Tapos page cannot display ang sinasabi niya."
Pati chrome alam niya na. Dati bilog lang tawag niya dun. Lalo akong natuwa. Lumilevel-up si ermats!
"Ah. Walang connection 'pag ganyan. Wala bang wifi?"
Halos 20 minutes kaming nag-usap hanggang maayos yung connection. Pero hindi rin naayos. LOL. Mahina kasi yung net ng ganung oras. Nakikisagap lang kami sa bahay. Hohoho. Excited pa naman daw siyang makita yung mga tagged pics nung naging speaker siya nung isang araw.
Ila-like at magko-comment pa daw siya! AN SA VEH!?!
hehehe ang ayus ni mudra lumelevel up :)
ReplyDelete